SEA Games opening sa Luneta?!
Napanood ko ang opening ceremonies ng SEA Games kahapon and if it were not for the Bayanihan Dance Troupe and the San Miguel Philharmonic Orchestra, isa na
The country’s hosting of the SEA Games is even a more unfortunate tragedy for all of us.
Ito raw ang unang beses sa 46 taong kasaysayan ng SEA Games na ginanap ang opening ceremonies sa isang public park. Yes it is a first, but this is something that we Filipinos can’t be proud of.
Ginanap sa Luneta ang opening ceremonies ng SEA Games sa simpleng kadahilanan na wala kasing malaki, moderno at kumpletong sports facility ang bansa para sa mga ganitong aktibidad. Ito rin ang dahilan kung bakit nakakalat ang mga laro sa iba’t ibang isla at probinsya ng Pilipinas.
Isa itong malaking proyekto na dapat noon pa ay pinagtuunan na ng pansin ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympics Committee at ng gobyerno, ngunit mukhang kahit sa mga ahensyang ito, dumadaloy ang lason ng maruming pulitikang bumabalot din sa kabuuan ng pamahalaan.
Kung pagtutuunan
Hindi rin
Higit na nakakalungkot pa siguro ay ang pagiging makasarili at gahaman at pamumulitika ng mga ilang opisyales at negosyante sa mga torneong katulad nito. Hindi rin naman talaga kasi interes ng mga atleta at karangalan ng bansa ang habol ng mga ito kundi ang kung paano pagkakakitaan ang isang malaking sports event na tulad ng SEA Games. Pribadong mga isponsor pa rin naman kasi ang may malaking papel sa pagdaraos ng paligsahang ito.




